Talumpati

 Isang mapagpalang araw sainyong lahat. Narito ako upang ipahayag ang aking Talumpati tungkol sa aking buhay.


Ako nga pala si Joshua R. Luminarias at mas kilalang bilang lumi sa room wangwang samen at juswaldo sa bahay. Bunso pala ako sa aming pamilya may isa akong kapatid at dalawang magulang. May kapatid akong nangangalang cloyd si kuya nga pala yung tipong masungit sa kapatid pero mabait sa tropa pero mabait naman in the inside. Si Mama naman yung tipong babae na masungi pero mapagmahal lowkey nga lang. At si papa naman yung taong masipag at mabait hindi pa kami pinalo nyan ni-isang beses simula nung bata pa kame ni kuya. Naalala ko pa nung mga bata kame ni kuya lagi kame napapalo ni mama non ang higpit ni mama samen non pag hindi ka natulog ng tanghali hindi ka pwedeng lumabas ng bahay tas pag ayaw mo matuto mag basa papaluhod ka sa munggo natatawa talaga ko pag lagi ko natatandaan yung mga araw nayon. At Nung mga limang taon gulang palang ako nabundol ako ng van dahil sa sobrang kulit ko patawid tawid ako sa kalsada dahil sa kagustuhan ko mag computer nung bata pako kinaadikan ko talaga yung pag cocomputer. Ilang buwan akong nasa hospital non nagpapagaling nung pede nako umalis ng hospital pumasok ako sa school at namiss mga kaklase ko natuwa ako non dahil nakita ko na mga kaibigan ko sa school. Nung nakabalik ako sa school nag aral ako ng mabuti at nakabawi nagkatop ako non at natuwa dahil yun yung una kong medal na nakuha. Nung 2018 nagkasakit si mama ng breast cancer at nalungkot ako ng malala non pero buti nalang hindi pa ito malala pero nalungkot padin ako dahil nagkasakit si mama. At nung pandemic naman ay ang pinaka panget ng routine ng buhay ko puro lang ako kain,cellphone,tulog hindi ako lumabas non puro lang cellphone ayoko din lumabas non kasi pandemic nakakatakot baka kasi pag uwi ko may sakit nako ng hindi ko alam. Habang pandemya nawawalan ako ng mga kaibigan hindi ko na nakakamusta at nakakausap nakakalungkot din dahil sa pandemya nawawalan ka ng kaibigan. Natuwa ako nung nabalitaan kona face to face na nag pa vaccine nako non dahil sa gustong gusto ko na mag face to face sobrang kati nung braso ko nung nag pavaccine ako gusto ko kamutin pero wag ko daw galawin sabi ni mama. Nung nagawa kona mga kailangan gawin para mag face to face kala ko mag faface to face nako pero pili lang pala na estudyante ang mga nag face to face nalungkot ako non kasi kala ko mag back to normal na talaga pero hindi parin pala. Nung nalaman ko na hindi paden pala ko magfaface to face balik ulit routine ko sa bahay puro lang ule ako cellphone, kain, tsaka tulog. Natapos na ang pagiging grade 9 ko at nalaman ko ule na mag faface to face na lahat ng mga estudyante ginanahan nako non pumasok at mag aral. First day na non at sabay kame pumasok ng aking kaibigan nasi ursaga nasa klase na kame non at may nakita ako mga pamilyar na mukha naging kaclose ko agad iba kong mga kaklase natuwa ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Ngayong taon babawi ako sa pag aaral sinabi ko sa sarili ko na babawi ako.


Sige na salamat sa pagbabasa sa susunod ulit basta tandaan nyo andyan lagi ang mga pagsubok at problema sa buhay, Hindi sila ang magaadjust kundi ikaw.

Comments